Sunday, May 24, 2015

Al Ain Zoo, Al Ain United Arab Emirates

Zoo animals are ambassadors for their cousins in the wild

This time bibisitahin naman namin yung mga kamag-anak namin. Haha! Ewan!

Kasi medyo matagal tagal naring di kami nag kikita-kita eh.. Super miss na namin ang isa't-isa! haha

Since galing nga kami sa Jebel Hafeet eh napag-pasyahan na naming dumaan sa Al Ain Zoo malapit lang sila sa isa't isa kaya go! Sayang naman kung di pa namin puntahan.

Al Ain Zoo is the oldest and the biggest zoo in the middle east founded in 1968.! True yan bebe ha!


Welcome!! Welcome!!

Super mura lang ng ticket niya for the adult 20dhs and for the children 10dhs, Free for children under 3year old. Sulit na yan sa kung anong makikita mo sa loob.

Nga pala depende sa season ang bukas nila October to April 0900H, May - September 1600H and Close siya buong month ng Ramadan.


Tama ng kaka-upo pasok na tayo!


Mainit pa rin kahit 4pm na. Pero ok lang yan basta galaan. Walang mainit-init. haha!
Dun sa binayad sa entrance may kasama na siya na free ride sa train, Oh free daw kaya dapat gamitin! haha.. yun yung train na nag lilibot sa zoo.





Super cute nung train para lang yung sinasakyan sa Fiesta canival sa Cubao. haha tanda ko nah!
Punuan to beh hindi to basta basta umaalis pag di napupuno. haha kaya picture picture muna.. ganyan!!




Syempre may video kami niyan while ikot ikot lang, ikot ikot.. Sarah G.??


Tara mag maglakad-lakad na tayo aba!

Ito! ito ang dapat nating hanapin! haha








Sobrang lawak nung Zoo, Kaya kailangan whole day talaga para super ma-explore mo yung place. Marami siyang mga puno kaya super presko din sa pakiramdam.

Madami ring mga tindahan ng mga pampalamig, saka mga pag kain. kaya di ka magugutom or mauuhaw.

Bali maraming part yung zoo, merong Reptile house, Nocturnal house, Birds house, Cat House and madami pang iba..

Gora tayo sa reptile house mga bebe!




So feeling mo matapang ka na niyan? hmpf! bitter?

Pumasok yan sa bibig mo. Close your mouth! haha

Azeem, looks like the other snake will come out too..

Ohhh! Bongga diba antatapang nila.. Grabe ni hawakan talagang di ko kaya! hahaha super layo talaga ko ng bonggang bongga! Natatakot talaga ko! Mama!! weeeh arte!

Super dami nila talagang collection. Kaya maaaliw kang talaga.






Ikaw na ang susuko kakalakad kasi malalaki talaga yung mga kulungan ng mga hayop kaya malalayo mga pagitan nila.

While walking may nag announced na meron din daw Bird show and it is free! So free kaya Gora tayo ulit!! haha







Super love ko yung show, Grabe ang gagaling kasi nung mga ibon. Kakaibang show siya para sa akin!






May mga pa-andar din sila tulad ng Giraffe feeding, Yung Bird show nga, Parrot show saka keepers talk. kaya madami ding activities talaga.


Ayan na nag kita na sila, Nahihiya naman tong isa.. haha Yakap na dali! haha
Ansaya super kahit bitin yung oras kasi kailangan na namin umuwi!

Madami pa siyang part na hindi ko na post para kayo na mag explore ok?






Super love it!!




Overall ok naman siya madami kang matututunan, Makikita mong super alaga nila yung mga hayop and ok naman yung condition nila, kung baga di sila naaabuso. Kasi pag nakita mo sila healthy naman silang tignan.



So pano? Hanggat sa muli! Bye!


Are you an animal lover? Have you been in Al Ain zoo? How was the experience? Share it!!!


No comments:

Post a Comment