Friday, March 27, 2015

Zenzi Thai, The Market Dubai Investment Park

Secret meet up ba ang hanap mo? yung tipong dapat walang nakaka-alam na nag kikita kayo kasi mababa-ngasan yang mukha mo pag may naka alam? haha or Tahimik na food trip place o kaya naman eh loner ka lang talaga at gusto mo ng tahimik pero winner na kainan? Anyway, sana may alam ka kasi naghahanap din ako eh! haha char char!


May sagot ako diyan mga bebe!

Romantic ba?



Eto naman yung sa loob niya

Zenzi Thai is the perfect location para sa mga mahihilig sa authentic Thai cuisine. ohh ha! Yung location niya nasa likod siya ng The Market kaya tagong-tago to, safe na safe kayo dito mag date walang masyadong makakapansin sa inyo! Celebrity lang ang peg? haha Madami ding ibang resto siyang katabi ha may Pizza, Italian resto, Japanese resto and syempre ang Mcdo.. haha



Naks pakitang di pa gutom kunwari dali...

Ay halatang gutom na eh.. haha

Yung loob niya ayos naman may pag ka romantic kasi medyo dim yung light tapos relaxing pa yung play nilang music parang sa spa yung parang umaagos na tubig at may mga humuhuning mga ibon. nananaginip na pala? haha  Di siya ganun kalakihan pero ok na for like 50pax? haha im not sure basta sakto lang yung laki ng resto. ok siya and lagi kami andito.

Tara kain na!

Kiew Wan Gai
 Green chicken curry with Thai eggplant, hmmmmm! yummey! hindi siya ganun kaanghang sakto lang.



Kiew Wan Neua
 Green beef curry with Thai eggplant, almost the same lang this siya ng nasa taas, beef nga lang pinag-kaiba. Obvious naman sa itsura diba? haha


Pla Sam Rod
 Deep fried hammour fillet in spicy, sweet and tamarind sauce, masarap sia crispy and little spicy.


Gai Takai
Fragrant grill chicken breast with sweet chili sauce, bet ko to kasi sobrang tender and juicy. hotdog lang teh?


Papaya juice
Mukha siyang mango juice ha pero papaya talaga yan! haha saka hindi siya masyadong puno eh, Kuya! pakidagdagan pa siya yung apaw na apaw dapat... ano ba... haha


Syempre mawawala ba ang pagpapa sweet bago kumain...

Busog lusog nanaman.. Happy tummy!






Ang best of all diyan mga bebe ay meron silang paandar na ganto


Ohh aarte ka pa? murang mura na yan good for 2pax na ha.. Sulit pa! extra rice ka na lang ganyan pag kulang sa rice.. haha



Open siya Monday - Sunday 1100am to 1000pm oh diba pedeng-pede sa lunch date din!
Tel: 04 885 3858



Bye! Love you!

Sunday, March 22, 2015

Insurgent 4DX Experience, Mirdif City Centre

This time kaka-ibang movie experience tayo mga bebe!




Kakaiba siya kasi parang totohanan na to! ramdam na ramdam mo kung anong meron sa eksenang pinapanood mo. Dito kahit manhid ka na sa pag ibig makakaramdam ka ulit. haha anong konek? push!

Tara pasok na!



From 35mm film to digital projection, the theater industry has been constantly developing further advanced technologies in order to create a movie experience more realistic. With these advancements came 4DX™, an ultimate movie experience based on the state of the art technology that delivers a fully immersive cinematic experience. -Vox Cinema



Yang dalawang butas sa sandalan? mag ingat ka dyan yan yung gugulat sayo! haha


Meron Siyang Rain, Fog, Wind, Lightning, Bubles, Scent ohh diba? at bukod pa dian yung 3D effect niya while gumagalaw yung kinauupuan mo at me sumusundot sundot pa sa likod mo diba andami? di ka pa ba mag eenjoy nian? sana nga lang may free na kayakap na din while watching the movie diba? sweet sweet!... kaya lang wala! wala! wala! haha naghanap talaga? kaloka.

Pang ifly ang 3D glasses ah! taray

Ansabeh ng 3D glasses namin diba? Hello there!

Actually ang totoong balak namin eh mag iFly Dubai, pero nag umarte akong ayaw ko kahit gusto naman! haha eh walang pumilit so nag back out na sa iFly, then biglang napadaan kami sa Movie house and nakita namin yung Insurgent tapos 4DX pa then sabi namin why not???!!! hahaha so PUSH! anyway babalikan naman namin yung iFly very soon kaya wait niyo yan!

Walang tanong tanong derecho sa ticket counter, charan! haha

Note: Char! sabi nung kabayang cashier meron daw ba sa aming may injury, back pain or heart attack kasi di daw pwede yun. pero since walang may ganun sa amin GO! sabi nga namin brain damage lang meron eh pwede daw yun. haha!






About naman sa movie, ito bale yung part two ng Divergent may pag ka Adventure, Sci-fi and Thriller siya kaya i-expect mo na bongga yung mga effects lalo na pag 4DX siya! Grabe magugulat at maaliw ka talaga may bigla na lang uusok, tutulong tubig, bubuga ng hangin, pipindut sa likod mo, gugulat sa tenga mo and pati yung amoy. Amazing sia mga bebe!


Have you tried it? how was the experience?...

Monday, March 16, 2015

The Cheesecake Factory Dubai, Mall Of The Emirates


This time medyo shala shala ang peg natin, since birthday ng bongga kong pamangkin inaya niya kami kumain sa The Cheesecake Factory.

Eto yung sa labas niya


Eto naman yung sa loob

Picture kung picture ha. teka!


Picture pa more!













Winner ang ambiance niya kasi medyo dim then may mga yellow gold na lighting effects, sosyalin! Di na kami nag intay masyado sa labas kasi may available table na nung dumating kami.
Bet ko ang pwesto namin kasi kita mo yung loob ng Dubai Ski which is very nice.

Our nice and super attentive server! naks! bagay ba? haha

Very nice yung server namin and super attentive siya wala siyang nakalimutan sa order namin. Eto pa pag nag ask siya if bet mo ba ng brown bread and butter, girl wag na wag kang mag hihindi! Hahaha dahil sobrang sarap siya promise! Yun nga lang mabubusog ka kaya very light lang dapat ang pag ngasab mo sa brown bread. ok?

So this is it na ng bongang bonga!

Fried Calamari

This fried calamari is very tender and really taste so good! naks sa appetizer ha.


Shrimp and Chicken Gumbo 
For our birthday girl yan bet nia. medyo spicy siya pero tolerable naman and masarap siya.


Chicken Madeira

Eto naman kay Sis. Super tender and super tasty siya and serve with mashed potatoes, bet ko din siya since chicken lover ako. 


Bar-B-Que Salmon

This salmon is really tempting! Glazed with sweet and spicy barbeque sauce. amazing siya kasi meron siyang crispy onion strings and serve with mashed potatoes din siya. yum yum!


Bang-bang Chicken and Shrimp 

Ito naman ang sa akin pangalan pa lang ha may bang na!. Grabeh! super nahuli niya ang kiliti ko kasi since chicken lover ako eh sea food lover din ako. Spicy Thai dish siya may curry, peanut, chilli and coconut. may tamis at anghang!  hhmmmm!! super yum talaga siya. please wag mo siyang kalimutang orderin fav. ko talaga siya! with steamed rice na siya. burp. . .



Raspberry Lemonade
Super refreshing! asim... 


Then suddenly biglang...



Nagulat kami kasi biglang lumapit yung mga staff while singing a happy birthday song with cake na hawak ha! haha how sweet yeah?!




Sobrang cool experience, busog lusog kasi sobrang generous ang serving nila. 100% babalik kami syempre. Since super busog na kami di na kami naka pag milk shake and cake ng bonga. kaya for sure dapat bumalik. see yeah again cheese cake!



Mai-singit lang talaga diba?


Ikaw anong bet mo sa Cheesecake factory?. mmmm..


Sunday, March 15, 2015

Group date with Cinderella 2015

This time, group date ang ganap namin. Ohhh taray! Haha Bakit kelan ba hindi naging group? Eh puros group date naman lagi eksena namin.

Syempre pasweet muna bago eksena.

So ang eksena sa Mall of the Emirates kami nanood VOX experience. Super grabe puno ang movie house puro mga chikiting patrol syempre madami ding mga young at heart ang nanood kasama na kami doon.
Di namin pinalagpas ang movie na to since Disney sia and syempre ito yung isa sa mga kinalakihan ng storya since super bagets pa diba walang humpay ng nanood  nito starting sa Beta-max, VHS, until sa naging VCD na and DVD. Haha daming alam? so pano mo nga papalampasin eh Minsan nga mas alam pa natin mga Disney movies kesa sa mga kwento ni lola basyang diba?.

Cinderella… A dirty Ella?...

Oh ayan si ateh!
Si Lily James yung gumanap na Cinderella (Past movie niya Wrath of the Titans 2012 and Broken 2012) ganda siya ha and super sexy pa. Talagang pinaghandaan niya yung eksena kasi may nabasa ako na nag liquid diet pa sia kaya pag na notice mo yung balakang nia sobrang liit fit na fit ang super bongang Blue gown nia. Saka galling niang umarte madadala ka talaga.



Ehem.. yumyum!


Si Richard Madden naman yung gumananp na Prince charming (Past movie naman niya Game of thrones 2011 and A promise 2013). Mmm yum yum! Haha di ko masyadong bet ang face nia yung body lang. Hipon pala teh? Haha anyway sa akin lang naman pananaw yun. Haha yung acting nia minsan palya pero ok na rin. Saka Daks ang nota nia ha. Pansin na pansin kasi. Hahaha! Ewan lang din.

Ang mga eksenadorang bruhah! haha
Syempre ang Step-Mom na may dalawang bruhang anak. Haha sila ang bumuhay ng kwento. pero feel ko lang ha kulang pa yung mga pahirap na ginawa nila kasi super very light na light lang eh.. haha Sadista pala so ateh?


Super funny siya ha! kulit pa.
At ang super funny na fairy god mother grabe kahit konti lang part niya nag mark siya. anyway di naman kompleto kwento if wala siya. 

About naman sa movie mara-rate ko siyang 7.5/10. Kasi wala naman masyadong kakaiba parang walang masyadong mystery and di ka mapapaisip ng kakaiba.  Yung movie parang ginawa lang totoong tao wala na siyang iba pang twist ganun lang kung ano yung alam mo sa kwento yun na yun din ang mapapanood mo. Pero overall maganda siya from costumes, mga magarbong party, yung kahariaan and syempre yung mga artistang gumanap. anu pa wait mo nuod na para ma-reminisce mo ang iyong kabataan.



Pa-bonus pics... may ganern?

Naman...


Fresh lang kami dian ha...




At syempre Hello papahuli ba ko?

arte ka! heh!