Tuesday, March 29, 2016

Milkcow ice cream - Dubai Marina

Ice cream!! Wooohooo!!...

Sino bang hindi mai-inlove sa ice cream?.. Para sa akin sobrang ok na ko pag ice cream ang dessert.
Sobrang simple lang kasi siya and super sarap pa tapos andami mo pang pwedeng gawin.

Habang nag lalakad kami sa JBR at nag hahanap ng makaka-inan eh naalala ng friend ko yung Milkcow ice cream, sabi niya malapit lang yun sa JBR and Marina so lakad lakad kami ganyan, tapos biglang pagtingin namin dun sa isang hotel andun siya sa loob. haha.. Instead of getting dinner napad-pad kami sa desserts. amazing!

Mooooooh!!!!

Nasa reception lobby siya ng Trident Grand Tower sa Dubai Marina, Madali lang siyang makita since nasa lobby lang talaga siya.




Winner yung concept niya, yung ice cream na may sari sari at kaka-iba and super bonggang toppings. Also yung ice cream nila organic homemade soft serve, kaya super creamy and yummy! Favorite ko na siya! Promise!

With cotton candy!!

Yummy!
Super dami kang pag pipiliang choices ng topping, mahihilo ka.

Ohhh my Milk shake!!
Favorite ko yung Oreo milk shake. Super creamy and mapapa.. hmmmm... ka talaga sa sarap.. hahaha! Nakakabusog siya in fairness...

Meron din silang choices ng coffee, cakes and sweets.

Mas bongga kasi may free WIFI! hahaha

kaya GO na!..

Pak! 360!

Pwede mo siyang gawing key chain!! haha

Love you milkcow!! Yummmm!





3D Art Canvas - JBR

The essence of all art is to have pleasure in giving pleasure...

Grabe siya oh!! Nag-babalik.. haha

Ewan, akala ko di na ko sisipaging mag blog ulit. iyon eh akala lang pala.. haha!

Gala gala naman tayo sa JBR, actually lagi namin naa-alalang pumunta dito kasi nga daw may mga 3D art keme daw.. pero lagi naman di natutuloy, so one day ayun, sinipag, napad-pad! haha

Pose na!

Sa kahabaan ng JBR makikita mo yung ibat-ibang 3D art wall painting. Yung bang akala mo totoo siya or parang kasama ka sa painting, pero dapat gagandahan mo anggulo mo beh para magmukhang maka-totohanan, anggulo ang labanan dito ok?. Wag mahihiya, laban! haha



Maka himas ha, parang may pag-nanasa..

Sis! baba mo ng konti ang kamay dali, haha
Oh!! Diba.. Kabog!! kaya dapat talaga anggulo kung anggulo ang labanan para perfect!





Kalat-kalat yung mga painting, Meron sa mga hagdan and meron din sa mga walls sa ibat'ibang parte sa JBR. Masaya siya madaming tao.




Magaganda yung mga arts. Kaya kahit medyo may kalayuan ang nilalakad di mo mapapansin ang pagod kasi nga nag eenjoy ang mga mata mo mga paintings.





Ang cute ng mga manika ni Jennifer. ok siya for all ages kasi nakakaliw naman talaga.




Asteag yung mga ibang design! So ano pang hinihintay niyo Go na kayo! free lang siya kaya super ok na ok. Di ko na post lahat ng ibang 3D arts para naman ma-excite din kayong pumunta, nga pala madaming kainan dun pag nagutom kayo and may mga tyange din parang pinas na pinas lang.



Bye!