Monday, May 18, 2015

Dubai Museum, Al Fahidi Fort Dubai

You have to look at history as an evolution of society.

Hello mga bebe, Kakaibang eksena natin this time hindi food trip or theme park ha. Mag babalik tanaw tayo ok? gusto niyo ba yun mga bata? bata!? haha kahit hindi wala kayong choice. hahaha

Dubai museum ang ganap natin mga bebe!
Tinayo ito noong 1971 as Al Fahidi fort, yung structure niya gawa sa coral rocks kaya matibay, pero nung 1971 binuksan na ito sa publiko bilang isang museum since hindi naman ito nasira, ni-renovate lang at in-improve.

Makikita dito kung pano sila nag-simula, mga custom and tradition. saka kung ano ba meron sila dati bago naging isang Dubai na maasenso at kilala sa buong mundo. ohh ha! ikaw nah teacher!


Fresh ha kahit nag lakad ng 15mins, haha!


Madali lang siyang hanapin, mag-google map ka! charot! haha

Green line metro station baba ka sa Al Fahidi station tapos walking distance na siya mga 10mins - 15mins na lakaran pero kung maghaharutan pa kayo sa daan sarado na pag dating niyo.. haha Napakadali lang niya makita. Tapos pag nakita mo na yung malaking banka pak! yun na yun. Opening niya 0830AM.


Mga na jaywalking lang ang peg ha!

Super mura ng entrance 3dhs. winner na diba?!... Nakakaloka kasi lahat pala kami di pa nakaka-punta kaya sobrang ok kasi sabay sabay namin madidiscover kung ano nga ang meron sa loob.

Tara!




Iyan yung mga unang makikita pag-pasok saka yung unang itsura ng mga tirahan nila. Arish ang tawag diyan.



Oh tulog na muna..
Iyan itsura ng maka unang bahay nila pero wag ka may mga wind tower yan kaya presko sa loob kahit sobrang init sa labas.


Eto yung papunta sa pinaka main museum. Pa-under ground siya. and medyo dim lang sa loob.






Kahalusan ng mga makikita mo sa loob mga wax figures na nag rere-enactment ng mga past activities nila. Sobrang ok na ok kasi parang totoo talaga sila lalo na pag sa picture.






Tagay tagay muna. Pero coffee lang sila and Shi-sha friend eh..





Sige subukan mong dumaldal palo ka ng stick!

Syempre mawawala ba ang harutan lalo na pag kasama ang barkada? NO!

Kayo po ba ang nanay ko?


Ewan ko sa inyo!

Maganda ba ko?.. oie...

Ako na mukhang pagod ka na eh.. Sige na dali...

Akala ko ba tinapa to? Hindi? hindi?

Sinabi ng akina eh! Akina to!! Ako ang mag bibit-bit!

Himala ilog na ginto! I-nomin natin.. haha

Madami silang paandar sa loob, May mga tunog, pailaw at saka mga pa film showing pa which is lalong nakaka tulong para mas lalo mo pang maintindihan yung mga eksena nung mga unang panahon.


Eto naman yung under the water pa- effect nila. Maganda siya sa personal. Kaya dapat mabisita niyo yan. Hindi siya boring tulad ng inaakala ko.








Iyan talaga yung iki-nabubuhay nung mga unang emarat yung pag kuha ng mga perlas saka pangi-ngisda.





Yan naman yung mga archaeological finds from Al Qusais, Umayyad and Jumeirah. Ohhh taray!


Kasing edad lang ha..


Yung pinaka huli namang part eh yung Gift shop nila. Madaming mga magagandang mabibili, pampasalubong.

Di ko na masyadong nilagay lahat ng photos baka kasi mawalan na kayo ng interest pumunta. haha Madami pang part ang di ko nilagay para naman pag pumunta kayo maappreciate niyo din.

Di kayo mag re-regret kasi sobrang ok siya and hindi boring!



Share your experience pag nag punta ka ha? Bye!

No comments:

Post a Comment