Friday, April 3, 2015

Texas Roadhouse, The Dubai Mall

Before the goodbye!....


Awww one of the saddest part of my life! My sister Gie will left to the Philippines for good. It's hard to accept, but I know God has a good plan for us.

Kung saddest man yan, Hey! dinaan na lang namin sa pag kain kesa mag muk-muk kami. haha
Ito talaga yung isa sa pinaka matagal na naming balak gawin ng Sis ko pero di natutuloy. So isip-isip kami kung ano pa dapat gawin since ilang days na lang kami magkakasama dito sa Dubai.

Since ayaw naman niya ng nakakapagod na activity we decided na kumain na nga lang sa Texas roadhouse with her daughter Claire. Yung location niya sa lower ground level near the fountain.




Tuesday night pero sobrang puno siya sabi nung hostess 35mins pa daw. awww na sad ulit kami.. haha So nag pareserve pa rin kami at tatawag na lang daw sila pag meron na. Kaya umuwi na muna kami at nagpahinga. Chos!!! haha So nag punta muna kami sa labas sa Dancing Fountain malapit sa likod ng Texas, Sa likod niya may reservation din sila pero sa labas na mga lamesa nga lang pero ang nakakatawa kasi 15mins lang ang waiting time pag sa labas na table. Amazing?! So sa labas na lang kami pu-pwesto dahil gutom-gutoman na ang peg namin.


Mga last na pag papa-sweet sa Dubai

After 15mins. tumawag na sila na may available na. kaya gora na kami kagad! si Peter yung server namin sobrang nice niya and mabait di ka ma-aasiwang umorder kahit ibang lahi pa siya. Yung iba kasi di ba may pag ka epal na server mas maarte pa sayo kaya nayayamot ka ng omorder siya hindi friendly siya.


In-Shell peanut and Bread and Butter

Habang nag hihintay kami ng food nag serve sila ng bread and butter tapos yung famous nila na in-shell peanut. Sarap ha pwede ng umuwi nabusog na! haha


Boneless Buffalo Wings and Caesar Salad

Super yummy yung wings kakagigil sa anghang and super crispy!. Yung salad very light lang and creamy bagay sa mga tulad kung vegetarian! pinaka echoserang sinabi ko!! haha kabaliktaran ng vegetarian di ako nakain ng gulay!! alam mo yan! haha put it in a side please pag gulay!.

Hindi naman kami nag hintay ng sobrang tagal sa food namin sakto lang.

Charan!!!!


Filet and Shrimp

Eto kay sis Gie, bagay siya sa mga seafood lover din kasi may steak ka na may seafood ka pa di ba? syempre bat ka pa nga nag-punta sa steak house kung di ka oorder ng steak. Char! dami paliwanag. umangal? masarap siya very tender and malasa din specially yung shrimp very flavorful.


Sirloin Steak Combo With BBQ Chicken 

Well done Please!! Naks! yum yum yum! di ko masyadong bet yung steak ko dito pero bumawi naman sa chicken sobrang flavorful and tender ansarap sarap! extra rice please! with mushroom pa bonga!


Award-Winning Beef Ribs
Edi ikaw na may award! haha so sila wala? char! Di nakaka pag takang may award to haha kasi sobrang lambot niya saktong nguya lang and malasa, sobrang sarap! promise!



Beef Brisket
Eto naman kay Claire, Eto yung food na kahit nagutom ka kunwari ng buong araw tapos ito yung iseserve sayo sasabihin mong ok lang na nagutom ka kasi sobrang bawing bawi naman. Sobrang sarap, can't explain! sure?? haha Please eto wag mong kakalimutang i-order it's to die for. yum!!

Yung mga food nila kahalusan may kasamang 2 made-from-scratch sides pipili ka kung anong bet mong side may Baked potato, Mashed Potatoes, Steak Fries, Buttered Corn basta madami pang choices. napagod mag type? haha


Strawberry Margarita and Mint-Infused Lemonade
Non-alcoholic yung margarita nila ha. Super refreshing naman yung Mint bagay sa steak.


Ready.. Get set.. Attack!!! 

Busog lusog nanaman grabe! may take away pa.. overall na enjoy naman namin ang experience sabi nga nila save the best for last! chos!


See you soon!

Sis! Sobrang thank you kasi ikaw yung sister na best friend pa. alam ko naman magkakasama pa tayong muli kaya di ko na masyadong dra-draman! Mamimiss kita sobra. Love you! Anyway iisipin ko na lang nagbakasyon ka lang.






Ikaw anong bet mo sa Texas Roadhouse?....





2 comments:

  1. It is good idea to include more photos to posts.

    Like a blog-instagram

    ReplyDelete