Tuesday, March 29, 2016

3D Art Canvas - JBR

The essence of all art is to have pleasure in giving pleasure...

Grabe siya oh!! Nag-babalik.. haha

Ewan, akala ko di na ko sisipaging mag blog ulit. iyon eh akala lang pala.. haha!

Gala gala naman tayo sa JBR, actually lagi namin naa-alalang pumunta dito kasi nga daw may mga 3D art keme daw.. pero lagi naman di natutuloy, so one day ayun, sinipag, napad-pad! haha

Pose na!

Sa kahabaan ng JBR makikita mo yung ibat-ibang 3D art wall painting. Yung bang akala mo totoo siya or parang kasama ka sa painting, pero dapat gagandahan mo anggulo mo beh para magmukhang maka-totohanan, anggulo ang labanan dito ok?. Wag mahihiya, laban! haha



Maka himas ha, parang may pag-nanasa..

Sis! baba mo ng konti ang kamay dali, haha
Oh!! Diba.. Kabog!! kaya dapat talaga anggulo kung anggulo ang labanan para perfect!





Kalat-kalat yung mga painting, Meron sa mga hagdan and meron din sa mga walls sa ibat'ibang parte sa JBR. Masaya siya madaming tao.




Magaganda yung mga arts. Kaya kahit medyo may kalayuan ang nilalakad di mo mapapansin ang pagod kasi nga nag eenjoy ang mga mata mo mga paintings.





Ang cute ng mga manika ni Jennifer. ok siya for all ages kasi nakakaliw naman talaga.




Asteag yung mga ibang design! So ano pang hinihintay niyo Go na kayo! free lang siya kaya super ok na ok. Di ko na post lahat ng ibang 3D arts para naman ma-excite din kayong pumunta, nga pala madaming kainan dun pag nagutom kayo and may mga tyange din parang pinas na pinas lang.



Bye!

No comments:

Post a Comment