Thursday, October 8, 2015

Experiencing Fujairah, UAE

There is pleasure in the pathless woods, there is rapture in the lonely shore, there is society where none intrudes, by the deep sea, and music in its roar; I love not Man the less, but Nature more.

Grabe antagal kong nawala, haha eh ano naman? may nag hanap ba? haha wala!.. hahaha

Sa sobrang daming activity nag halo-halo na sa utak ko kaya ang ending walang na-post! niaah.

Gala naman tayo sa Fujairah, Ito yung huling emirates na di ko pa napupuntahan, kaya naman super excited akong bisitahin. Sa sobrang excite ko umalis ako mag-isa! charot lang! haha syempre kasama ko ang mga friends ko noh sila pa ba papahuli sa galaan?!.. I doubt it!...

Etong gala na to talagang walang plano, as in, di namin alam kung anong activity mang yayari or ano dadatnan namin or anong gagawin namin basta sugod lang, ganyan! pak! haha!

Sa sobrang haba ng byahe parang 2hrs ata or 3hrs, hindi alam? bakit? haha yung totoo gising or tulog habang nasa byahe? haha harot!.

Mga bagong gising, aminin niyo yan! haha

Fujairah City Centre, Basang-basa niyo naman diba? haha arabic..

Ang una naming stop ay sa Fujairah city centre para kumain at mag malling, teka?!.. mag-mamalling lang sa Fujairah pa talaga pinili? why? haha.. charot lang bebe! Kumain lang talaga kami saka si Eyzell bumili ng tablecloth este blazer pala kasi nahihiya daw siya kahalusan kasi talaga nung mga tao naka abaya pa, conservative sila unlike sa Dubai deadma kahit kita na kuyokot! haha kuyokot daw..

Ang next naman na pinuntahan namin ay ang Fujairah museum! Yey!

Fujairah Museum was opened on November 30, 1991
Wagas ang pose ha!

Oh tara na dali pasok na tayo sa loob..




Ang entrance fee niya 5dhs. at open siya Sunday to Thursday 0830-0130pm then 0430pm-0630pm pag Friday naman 0230pm - 0630pm.

Hindi ganun kalakihan yung museum kung ikukumpara mo sa Dubai museum parang 1/4 lang ang size niya. Pero sulit naman sa pag bisita. Tara na at mag ikot tayo.




Eto naman akala ko lutuan, libingan pala







Kahalusan ng makikita mo sa unang part eh mga archaeological exhibits na nahukay nila sa ibat-ibang part ng emirates, di ko na masyado pang lalaliman para di ako mahirapan at kayo na rin. Kaya dapat i-visit niyo. haha heh!




Ayyy... Pak!

Luto-lutuan gurl?

Aba at tinikman pa, naman..
May tagayang pang naganap ha

Ayan pag bahay-bahayan expert! haha alam na!

Ang next naman naming pinuntahan ang Fujairah fort pero nag picture lang kami medyo malayo at di na kami talaga lumapit pa dahil may kainitan ang panahon at wala din namang silungan.

Golfer lang Jimmy?



Ohh anong sabi ng haring araw? haha tirik na tirik!

At dahil sa sobrang init at pawis napag desisyonan naming maligo sa beach! ay woooow!




Ganda diba? Nung paligid! haha
Fujeirah Khorfakkan Beach
I super love it, kasi may mga mali-liit na isda na lumalangoy kasama mo, amazing! actually nung una natakot ako pero safe naman sila, haha

Meron ding mga activities na pwedeng gawin, may nag papa rent ng jetski, boat, saka yung dadalhin ka sa iba pang mga isla ito-tour kayo. Ok naman siya. enjoy!

Overall ok naman ang naging Fujairah experience namin pasok siya sa whole day na activity.




Bye!

No comments:

Post a Comment