Wednesday, August 5, 2015

Dreamland Aqua Park, Umm Al Quwain

The joy of life comes from our encounters with new experiences, and hence there is no greater joy than to have an endlessly changing horizon, for each day to have a new and different sun.

Oh yeah! Oh yeah! Swimming nanaman at walang makaka-pigil sa amin kahit tirik na tirik ang araw! hahaha!

Gora naman tayo sa Dreamland aqua park, matatagpuan siya sa Umm Al Quwain, medyo may kalayuan siya sa Dubai medyo lang naman pero yun nga di ba para maiba naman ang tanawin.

Madaming pwedeng gawin sa byahe specially kung malayo, harutan muna, kwentuhan, makinig ng music, mag games or mag muni-muni ng mga bagay bagay diba? nasasayo basta dapat ma-enjoy mo pa din!



Dreamland aqua park ay isa sa masasabi kung sobrang family friendly kasi wala siya masyadong buwis buhay na rides. Sakto lang siya para sa mga pa-sweet na tao. Kung nag hahanap ka ng mga super extreme rides wala sila nun. haha kung baga yung mga rides nila eh saktong sakto lang. Pero super mag eenjoy ka pa din, Promise!

Tara pasok na tayo!




Ang nagustuhan ko sa kanila free yung use ng locker nila and super safe talaga kasi may nag babantay tapos may CCTV pa.

Sobrang linis ng lugar grabe, well maintained talaga siya. Alagang alaga.

Tulad ng mga sinabi ko sa past blog ko bago kami maligo nag pi-picture na kami ng bongga bago pa maligo and nag plan na kami kung ano mga una naming rides na gagawin para plakadong plakado ang pag haharot! haha

Tara na ikot-ikot muna tayo mga bebe!


Twister
I super love this twister ride kaya lang dapat marunong kang lumangoy kasi sobrang lalim ng babak-sakan mo but anyway may life guard naman if ever di ka marunong lumangoy help ka niya. ang arte? haha


Twisting Dragon
This twisting dragon naman wala lang madillim lang sa loob haha.. walang emotion?! haha



Mighty GoRound
The mighty GoRound naman paulit ulit lang nabago lang yung color ng slide. hahah kaka-hilo lang ganun. Kaloka kasi try talaga namin lahat ng colors para malaman talaga namin kung anong difference. Parang ang difference lang niya nakakahilo from level 1 to level 5? hahaha heh!

Kamikaze
Yung kamikaze naman parang siya lang yung medyo thrilling ng konte, konti talaga??? pero natakot na kung ulitin?! hahaha Medyo may kata-asan kasi siya and parang feeling mo maaalis ka sa slide. haha A must try!


Slam Dunk
Sa Slam Dunk naman pwede kayong mag basket ball and mag volley ball then meron din siyang parang cave cave ganyan.


Family Raft Ride

Family Raft Ride

Sobrang favorite ko yung Family raft ride kasi bet na bet ko yung mga group ride eh, mas masaya kasi and exciting!

Madami pa silang ibang rides na tyak ma-eenjoy niyo din!

Ok din yung kainan nila kasi may offer silang family meal like 130dhs ata good for 5-6pax na complete na siya with food and drinks na.


Dead Sea

Dead Sea

Dead Sea
After namin kumain pinili naman naming mag palutang lutang sa dead sea nila. hmmm taray!
Very relaxing siya mga bebe. lulutang ka talaga, syempre maalat talaga siya ha.. hahah!



Lake-O-Wave
May wave pool din sila kaya kung gusto mo mag paanod-anod go ka lang diyan!


Para sa akin ok talaga siyang puntahan kasama buong pamilya kasi super safe lahat ng rides nila and enjoy lalo na ngayung tag-init! Ayus din yung gala gala minsan para pantang-gal stress diba?



Oh yeah!! Uhmm Girlie ano binabasa mo ulit?


 While waiting for our sundo.. ganyan..





Ano galit galit muna?

Bye Dreamland!

May solo talaga akong pahabol??

Pak! Ganun!. . .





Bye! mwah!

No comments:

Post a Comment