Sunday, June 14, 2015

Nina Live in Dubai 2015, Boracay Night Club, Dubai, UAE

Yiiih... Until now kinikilig pa din ako.. haha Ikaw ba naman mag karoon ng isang napaka sayang gabi together with your idol eh... Winner talaga!

Teka pano nga ba kasi ako naging fan, ay hindi dapat S-U-P-E-R F-A-N ni Nina??...

It all started with the song Foolish heart, ang ganda ng boses tapos nung nag whistle parang ayon na tinamaan ng kidlat and sinabi ko na sa sarili ko na siya na ang idol ko. Actually Dalawa sila Britney - Nina lang talaga ko..

Yeah, tapos super antunog-tunog ng name niya, Kahit saan makikita mo siya. Super!

Madami ko na siyang beses nameet, Nag pasigned na rin ako ng authograph sa likod ng shirt ko! Grabe super pawis na pawis ako nun and nangi-nginig, parang hihimatayin ako nung time na yun. haha!

Anyway, tara punta na tayo sa present! haha

Since faney na faney nga ako nitong si Nina, syempre di ko dapat palampasin ang concert niya dito sa Dubai. Ano ba! Take note nag file pa ko ng leave niyan ha para masure ko lang na makaka attend ako at nag tagumpay nga ako! hahaha!


Thanks Jimmy sa support! Haha

Syempre dapat may picture din ako... 3 yan para i love you! 

Ginanap yung concert niya sa Boracay Night Club sa loob ng Asiana Hotel, Tapos ang name ko Achiano ano toh lokohan? yung totoo.. haha

Tara pasok na tayo sa loob...



Grabe ang aga pa lang andami ng tao, Tapos parang nag dagdag ba sila ng chairs and table kasi andami pang dumadating nakakatuwa. The power of Nina ika nga..

So, hindi ko na patata-galin.. Enjoy!







Tapos eto daw yung song na para sa mga seloso ha.. Nag hihiyawan mga tao.. haha






Para naman daw sa mga fans ng movie na 50 Shades Of Grey






With a very special guest!






Tapos etong next song naman eh para sa ating mga fans niya. Super sweet niya grabe.. Kaka-iyak.. Yiihhh...



Eto naman yung mga songs na pwede nang ipalit sa national anthem ng Pilipinas. hahaha Agree??







Super super saya ng gabi, para akong nasa clouds lumulutang. hahaha heh!



Akala ko di ako makaka pag papicture kay Nina kasi nga andaming tao tapos, Meron na ako nung album na binibenta nila para ipa-sign so waiting na lang kami sa gilid.

Tapos bigla na lang kami tinawag nung organizer last picture na daw. Hah?! Dalian na wag ng mag taka kung bat biglang tinawag. Ayun naka pag papicture tuloy kami. Hahaha! Love you Nina!!

Eto pa ang pinaka-nakakaloka sa lahat!! Di niyo kakayanin..

Charan! Si Jimmy ang nanalo ng MediaCom karaoke sa raffle.. hahaha

Congratz jimmy!

One more bago ko tapusin ang blog ko..

Charan!! Ni-like na ni Nina and King ang instagram post ko!




Love Love Love!! Bye!

No comments:

Post a Comment