Sunday, March 15, 2015

Group date with Cinderella 2015

This time, group date ang ganap namin. Ohhh taray! Haha Bakit kelan ba hindi naging group? Eh puros group date naman lagi eksena namin.

Syempre pasweet muna bago eksena.

So ang eksena sa Mall of the Emirates kami nanood VOX experience. Super grabe puno ang movie house puro mga chikiting patrol syempre madami ding mga young at heart ang nanood kasama na kami doon.
Di namin pinalagpas ang movie na to since Disney sia and syempre ito yung isa sa mga kinalakihan ng storya since super bagets pa diba walang humpay ng nanood  nito starting sa Beta-max, VHS, until sa naging VCD na and DVD. Haha daming alam? so pano mo nga papalampasin eh Minsan nga mas alam pa natin mga Disney movies kesa sa mga kwento ni lola basyang diba?.

Cinderella… A dirty Ella?...

Oh ayan si ateh!
Si Lily James yung gumanap na Cinderella (Past movie niya Wrath of the Titans 2012 and Broken 2012) ganda siya ha and super sexy pa. Talagang pinaghandaan niya yung eksena kasi may nabasa ako na nag liquid diet pa sia kaya pag na notice mo yung balakang nia sobrang liit fit na fit ang super bongang Blue gown nia. Saka galling niang umarte madadala ka talaga.



Ehem.. yumyum!


Si Richard Madden naman yung gumananp na Prince charming (Past movie naman niya Game of thrones 2011 and A promise 2013). Mmm yum yum! Haha di ko masyadong bet ang face nia yung body lang. Hipon pala teh? Haha anyway sa akin lang naman pananaw yun. Haha yung acting nia minsan palya pero ok na rin. Saka Daks ang nota nia ha. Pansin na pansin kasi. Hahaha! Ewan lang din.

Ang mga eksenadorang bruhah! haha
Syempre ang Step-Mom na may dalawang bruhang anak. Haha sila ang bumuhay ng kwento. pero feel ko lang ha kulang pa yung mga pahirap na ginawa nila kasi super very light na light lang eh.. haha Sadista pala so ateh?


Super funny siya ha! kulit pa.
At ang super funny na fairy god mother grabe kahit konti lang part niya nag mark siya. anyway di naman kompleto kwento if wala siya. 

About naman sa movie mara-rate ko siyang 7.5/10. Kasi wala naman masyadong kakaiba parang walang masyadong mystery and di ka mapapaisip ng kakaiba.  Yung movie parang ginawa lang totoong tao wala na siyang iba pang twist ganun lang kung ano yung alam mo sa kwento yun na yun din ang mapapanood mo. Pero overall maganda siya from costumes, mga magarbong party, yung kahariaan and syempre yung mga artistang gumanap. anu pa wait mo nuod na para ma-reminisce mo ang iyong kabataan.



Pa-bonus pics... may ganern?

Naman...


Fresh lang kami dian ha...




At syempre Hello papahuli ba ko?

arte ka! heh!

No comments:

Post a Comment