Heyah! Foodtrip naman tayo ngayon mga bebe, pero this time medyo ibang trip ang ginawa namin kasi dumayo pa kami ng Abu dhabi para lang sa kaka-ibang foodtrip.
Since nag-kayayaan gumala ng Abu dhabi, why not bumisita sa masasabi kong sariling pag-kaing atin diba?. Saka syempre sobrang enjoy kumain lalo na at kasama ang barkada yung parang tomorrow diet, lagi na lang tomorrow diet, saraaaaap kasing kumain!! hmmmm....
So tara punta na tayo sa Rice Overdose.
Since hindi naman kami mga taga Abu dhabi medyo nahirapan kaming hanapin yung lugar pero salamat kay Google map eh medyo napadali rin naman.
Sa Twin tower building, Hamdam Street Abu Dhabi. Hindi siya katabi ng daan so di mo siya makikita sa labas, kailangan mo pang pumasok sa mga eskinita, So mag mamagaling ako dito, hahaha opposite to ng Sun and Sand sports store, tawid ka sa kabilang kalsada then derecho ng konti then kanan. Makikita mo na din siya pray ka lang ng konti! hahaha
So ano pa, tara na sa loob gutom na me..
Wala pang order yan ha naka gloves na |
Ganda ng place nila pa-L shape, saktong laki lang sa baba then may 2nd floor din siya kaya di na kami naghintay, naka-upo na din kami kagad.
Hindi ganun kadami yung choices ng food nila pero alam mong andun yung hinahanap mo. haha wala silang pork pero makakalimutan mo ang pork sa sarap ng pag kain nila specially sa variety ng rice nila.
Tagay sa tagumpay!! |
Cheers!! |
Bet ko yung mga choices ng drinks nila sosyalin tapos nasa mason jars pa! Pakalunod ka.
Tara kainan na, Go!
Roasted Chicken |
Super festive nung presentation niya tulad din ng lasa niya, nakasabit yung paandar niya ganyan, Pak! Winner!
Beef pares |
Crispy Beef Strips |
Tangy Fried Squid |
Para sa mga seafood lover na katulad ko. Hmmm.. Yummy!
Creamy Seafood Soup |
Lahat ng food nila may kasama na siyang super unlimited rice hanggang sa ma-overdose ka wag kang tumigil! hahaha! Pwede kang pumili sa Adobo rice, Bagoong rice, Garlic rice or just the plain rice. Nasasayo bebe kung ano ang trip mo. support ka nila! hahaha.
Kainan na go go go!!! |
Grabe super busog! haha sulit na food trip talaga!
Baliw-baliwan moment! haha
Ayan na overdose na. |
Sulit na sulit ang pag dayo namin, as in busog na busog! haha kaya go na din kayo!
Busog na ko, bye!
No comments:
Post a Comment