Sunday, February 8, 2015

Kamayan Sa Dampa Restaurant, Dubai

Last December, Dumaan sa newsfeed ko na may mag-bubukas na bagong pinoy kainan. KAINAN! haha sa sobrang excite ko ininform ko na lahat ng close friend ko na dapat bisitahin namin to as soon as possible.
Pero ewan bat biglang nawala sa isip ko siguro kasi madaming eksena ang dumaan since December and January. Until nakita ko ang post ng friend ko na nakapunta na sila. OMG!!! kaya agad agad nag set na kami ng schedule pag punta dito.

Umaga pa lang nag message na ko sa facebook page ng Dampa para mag pareserve kasi nga 12pax kami pero no luck! No reply from them. (Nag reply sila gabi na nakauwi na kami, and nag sorry wala daw kasi internet connection nung umaga)

Ayan na kita kits na sa Al Riqqa Metro station since dito nga daw ito malapit. Haha kasi di pa talaga namin alam yung exact location pero kung todo alis na kami.

Syempre picture muna

Since nagmessage yung isa naming friend na sasama na siya at alam niya ang place edi wow! nagpauna na siya at nag pareserve na para sa amin. Galing niya!

Madali lang pala siyang hanapin, Sa loob to ng King's Park Hotel beside lang ng Philippine Supermarket kita na kagad.

Malamang picture ulit, eto yung sa receiving area

Sakto lang yung dating namin kasi nililinis na yung table para sa amin. Mga 5mins lang nakapasok na kami.
Sakto lang din yung laki nung place pero feeling ko yung iba sasabihin medyo maliit siya saka siksikan pero okey naman kasi di naman pwesto pinuntahan namin kundi yung food saka bonding.

Ayan na yung unang food, Chos! haha

Bongga! una nilagyan ng plastic cling wrap yung lamesa then nilagyan na ng dahon ng saging. Kakatuwa.
actually medyo may katagalan iserve yung food pero siguro dahil Friday night yun at sobrang busy din sila kaya medyo matagal. Mababait ung mga server, Laging nakangiti kahit alam mong pagod na saka very approachable. Lahat ng needs namin bigay kagad.

Charan! Syempre big smile na lahat!
Inorden namin yung good for 10-12pax 399dhs. lang unlimited rice na with 2 pitcher Iced tea na!
akala nga namin kukulangin yung ulam kaya binalak namin mag order pa ng extra pero sabi nila check daw muna.
Amazing kasi madami yung serving di naman nag kulang may sobra pa nga. Sa Iced tea lang nag kulang haha!.

Masarap yung food! Grabe! meron na siyang hipon, kare-kare,bangus, pansit, tortang talong, itlog na pula, okra, fried chicken, sinigang na isda, yellow rice and plain rice. Yung plain rice lang yung unlimited ha.


Anong nangyari? taob!

Sobrang busog! dapat niyo tong matry specially kung group kayo masaya kasi, kwentuhan while kain kain ganyan. Winner! 

Ayan bigyan ko kayo ng info!

Facebook account nila and contact number.
https://www.facebook.com/DampaRestaurant
056 373 5689
Home of the Best Boodle Fight with Unlimited Rice!!


Have you tried it? How was the experience?





1 comment:

  1. When I ever visit I always come here - excellent food and service. worth a try the food especially the best seller.

    http://www.themaine.ae/

    ReplyDelete