Friday, August 21, 2015

The Sea Food Unlimited Deira, Dubai

When I eat with my friends, it is a moment of real pleasure, when I really enjoy my life.

Hello mga bebe! Kainan nanaman! Wooohooo!

Since birth day ng friend naming si Claire ask niya ko kung san ok kumain kasama ang barkada.
Sabi ko sa kanya dun sa kabayan group sa facebook may lagi akong nakikitang ads na sea food tapos unlimited na, may videoke pa.
So, eto na ang tamang panahon para nga ma-visit namin tong restaurant na to! haha

Bonggang pareserve na ko kagad kasi for 15pax and Saturday yun so expected na maraming tao, anyway sobrang dali lang naman mag pareserve and mabait naman yung nakausap ko. So all set na!! wiiiihh!


Claire and I :)
There is no other way, This way!

Bali sa rooftop to ng Kings Park hotel, familiar na kami sa lugar kasi same hotel din to kung san kami nag boodle fight, super dali lang niya mahanap!

So ano, tara pasok na tayo!



Nagulat kami kasi pagbukas namin ng pinto narinig nanamin yung tunog ng videoke, yung feeling na parang asa pinas lang kaya feeling at home ka kagad, maganda yung loob niya, daming design saka maluwag siya kung baga di kayo mag kakapalitan ng mukha! haha saka di nakaka-ilang bumalik pag kukuha ka ulit ng pag-kain kasi wala kang masasanggi or matatabig na ibang tao. taray lang!

Tara kain nah! hmmmm....

Winner yung lighting ha parang may burol. hehe peace!

Oh wag magka-gulo mga bata lahat makaka-kain. hahaha..




Yung menu nila for that night eh Steam crabs, Hilabos na hipon, Beef sisig, Chicken wings adobo bet ko toh masarap!, Kilawin na isda which is sobrang masarap daw sabi nila, sorry di kasi ko nakain nun, and may Pancit din saka winner yung may kropek din! For 25dhs per pax sulit na diba?! kaya lang sana kasama na din yung drinks ok sana kung unlimited din yung drinks.

Yummmey!

So syempre pag tapos kumain, alam na this!! videoke mode nah! haha yan nah. super kwentuhan na, harutan nah. ansaya!


Birit kung birit lang neh?!










Over looking!

What a blast! Super enjoy, hindi kami nag kamali nang napiling venue! Bongga!
Grabe andami rin naming nakanta ha, halos sa group lang namin ang super kanta ng kanta.
Saka naka ilang balik din kami sa food. Sulit talaga!

So pano it's time to say goodbye nah!





Hanggang sa muli! Bye!

No comments:

Post a Comment