Yeah, it's my birthday and we celebrate it in the waterpark because, why not?! Let's beat the summer heat! again! 2weeks pa lang ang nakaka lipas ng mag Iceland waterpark kami ha.
Eto yung last na waterpark na di ko pa navi-visit dito sa UAE. Since sobrang tunog ng waterpark na to eh napaka high ng expectation ko pag dating dito sa Aquaventure, Siguro kasi nasa Atlantis siya and asa Dubai alam naman natin na pag asa Dubai eh the biggest and better. Kaya naman ito ang kaagad na isip kung place para icelebrate ang birthday ko. aaaaaannTaray?! Yayamanin si ateng... haha!
Andyan ako sa pic ha hanapin mo lang ng konti |
Super supportive ng mga friends ko kahit sobrang namahalan sila na push pa din namin, Kaya sobrang Thank you mga mahal kong kaibigan! haha walang halong eklabu yan ha!
0830H ang calltime since malapit lang naman and sakto lang yung sunduang magaganap.
Syempre breakfast mode muna sa Burger king para may energy ng sakto then at 1000H nakarating na kami ng Atlantis.
Syempre pa-sweet moment muna! |
Ang nakakaloka dito kahit may sasakyan kang dala kailangan mo siyang i-park sa parking ng Atlantis then may tourist bus silang mag hahatid sa inyo sa Aquaventure mismo. Hindi ko siya bet!
Kailangan pang mapuno yung bus bago kayo ihahatid sa Aquaventure kaya medyo hustle, kasi sayang ang oras. 15mins din yung hinintay namin ha.
At eto pa ang hindi talaga namin kinaya... Ang haba ng pila mga bebe para lang makabili ng ticket! Super box office hit ito ang pila niya parang manonood lang kami ng sine sa haba!
Nakadami kami ng picture diyan ha sa pila pa lang kasi antagal talaga and ang haba.
Diba winner sa pila inabot kami ng 1oras or mahigit pa sa pila at oo medyo may kamahalan talaga ang ticket niya since Friday, ang entrance ng adult eh 285dhs. entrance palang yun wala pang locker and meals. Pero push pa din deadma na sa presyo. hahaha! syempre good vibes pa din dapat smile smile pa din. ganyan!.. haha
At exactly 12pm nakapasok din kami mga bebe. Oh diba winner 2oras mahigit bago kami nakapasok. Waste of time. Mag lulunch time na dapat pero since kapapasok pa lang namin eh nag swimming na muna kami. Para narin matangal ang init kaka pila at medyo marelax.
Pag pasok namin super bawi naman yung paghihintay kasi super picturesque ng lugar! Napaka ganda winner! Di ka na magtataka bakit expensive. haha maganda ang mga pagkaka design niya and sobrang linis, halatang alagang alaga.
Super saya slide dito slide dun, More harot more fun kung baga! Antaray walang pagod kaka akyat ng mga hagdan para mag pa-slide slide.
Super bet namin yung mga group rides kasi ansaya pag group kayo nakaka bawas ng takot. haha!! Sigaw pa more!! Actually hindi ganun kadami ang rides ng Aquaventure. Sad to say dalawa lang yung group rides tapos yung double rides halos paulit ulit lang siya kaya mukhang marami. Tapos yung single rides naman sakto lang din. Kung baga di ko siya matatawag na full day fun kasi di nga ganun kadami yung rides. Ang choices mo lang eh ulit ulit yung rides para mukhang masaya. Pero since sobrang dami ng tao ubos ang oras mo sa pila.
Yum Yum Yum!!! |
Sobrang bet ko yung food court nila kasi sobrang dami ng choices. May pizza, noodles, arabic foods and fried chicken and fries. Kaya kahit anong panlasa ang bet mo sa mga oras na yun eh may pantapat sila sayo. Nag avail din kami nung tumbler ng Aquaventure kasi medyo ok yung offer niya everytime na ipapa-refill mo siya 8dhs na lang. Malaki na siya and good for sharing na kaya Go!
Aba! Teka nga... Umaarte ha.. |
Ang super bet ko dito, yung waterpark connected siya sa dagat kaya pwede mo siyang i-access ng walang kahirap hirap depende sa trip mo. bongga diba? kung pagod ka na ng kaka slide gora ka lang dito para mag muni muni. haha cool!
Eyzell, Girlie and Wilson |
Picture pa more..
Rizwan |
Gina Andrew |
Ernie |
Jimmey |
Azeem |
Well that's me.. |
Inabot din kami ng 1800H bago naka pag pasyang mag uwian na.
Overall nag enjoy naman kami di mo pa rin matatawaran ang ganda ng lugar one of the best kung baga pangarap lang dating makarating dito at least natupad! Super safe ng mga rides. Kaya di ka matatakot na itry, Lalo na yung slide ka tapos bagsak mo sa loob ng aquarium sobrang amazing. Pero parang may kulang, Siguro dahil hindi sulit yung binayad yung tipong parang sobra yung binayad mo ganung factor anyway base naman to sa experience namin ewan ko sa iba, pananaw lang namin to. Sabi ko nga super taas ng expectation namin dito pero di niya naabot siguro nga overrated lang to or nadala lang sa pangalan ng Atlantis hotel. Sasabihin ko kung ano yung naexperience namin kasi iyon yung totoo.
Bye bye aquaventure!! |
Thank you Jimmey for all the wonderful photos! Dahil sayo napapadali ang pag susulat ko ng blog.
Best birthday ever!!! weeehooo!!
Have you been in Aquaventure? Share your experience...
No comments:
Post a Comment