Friday, February 13, 2015

Oman Musandam Dibba Trip

The sea is everything. It covers seven tenths of the terrestrial globe. Its breath is pure and healthy. It is an immense desert, where man is never lonely, for he feels life stirring on all sides.

May quotes talaga sa opening? edi WOW! haha

Oh eto isa sa pinaka masasabi kung masayang ganap sa amin ang Oman Musandam Dibba Trip.
Winner to kasi for 180dhs only sulit na sulit na mukhang yayamanin pa!. Nakita namin to sa isang deal site pero ang siste patapos na yung deal di pa kompleto kung sino ang jo-join at kung sino ang di gogora! So since mautak ang mga kasama ko nag direct contact kami dun sa travel agency and bongga pumayag sila since medyo madami kami at kita na nila yun noh. 

Pero syempre bago ang eksena medyo may mga papers na kailangan since mag crocross boder kami Dubai to Oman. Eto mga Kailangan Passport, Visa at Emirates ID. Bali ung travel agency na umeksena para makakuha kami ng Visa tapos ikaw naman bahala mag paliwanag sa company mo bat mo kelangan kunin passport mo haha! 

This is it Guys!!


Pasweet muna kami diyan syempre!

8am ang call time and pinili naming location sa pick up eh sa Palm Jumeirah kasi feel namin mas sosyal dun so nagpalayo pa kami talaga. hahaha 
Kasama sa package yung pick up and drop off kaya ayus na ayus di ba bawas sa sakit ng ulo.
Pansin naman di lang kami ang nasa picture yung sa likod namin mga pampam yan, etchos!! mga nakasabay namin mag tour. Mababait sila ang iingay nga lang ewan! haha nadismaya? 

Mahaba ang byahe mga 4hrs pero Masaya kasi sa bus pa lang harutan na tapos dami dalang food kaya kain na ng kain tapos syempre walang humpay na picture.

Maganda yung mga madadaanang lugar pero kahalusan mga bundok and smooth naman ang byahe kaya ok siya. pagdating sa border ng Oman dun na kailangan yung Passport pak! Visa and Emirates ID pak! then pasok ka na sa banga! ilang minutes lang asa port na kami ng Oman pasakay ng Dhow.


Eto yung pagsakay pa lang sa dhow pinili namin yung sa 2nd floor para mas bongga!

Eto naman yung Flag ng Oman sila yung nagbabantay baka kc may kumuha! haha


Pag sakay palang namin ng dhow nag offer na sila kagad ng juice, coffee, biscuit and fruits taray! unlimited siya kaya sana di na kami nag baon charot! maganda yung weather pak na pak sa eksena namin. halos 30minutes din kaming pumalaot. teka pumalaot talaga ha? sobrang maalon siya gurl kaya ang eksena namin pagulong gulong. haha


Akala mo nag momoment? Hindi gurl nasusuka yan sa sobrang hilo dahil sa alon! haha
Eto yung kahalusang makikitang tanawin mga bundok saka mga artista naks!

Halos sa limang Oras na biyahe nakarating din kami gurl! haha Sobrang ganda nung lugar kakaiba siya. 


Safety first! wag kakalimutang huminga ok?
So bago pa kami tumalon sa dagat at mawalan ng ulirat kaka langoy eh Nag briefing muna yung manong organizer ng mga eksenang pwedeng gawin. Pwede kang mag Banana boat, Snorkeling, speed boat, mag muni muni or kung KJ ka sa dhow ka lang manood ka sa amin habang nag lulumangoy kami! hahaha  Take note ha unlimited lahat ng activity. oh tara na talon na!


Oh ha kala mo kung magagaling lumangoy eh!

So mula sa dhow papunta dun sa isla pwede mo siyang languyin or kung tamad ka sumakay ka sa speed boat ganyan! yayamanin! Mababait yung mga nag aassist ha, saka mafefeel mo na sobrang safe kasi madaming nag babantay!


Ansabeh???!!!!

At 2pm iseserve na yung buffet. So maririnig mo na yung tunog ng serena Charot! whistle lang friend! magtatawag na ung mamang organizer na balik muna sa dhow para kumain. Winner yung mga food ha meron siyang pang Non-vegetarian saka for vegetarian only. International food yung siniserve nila kaya maka kakain ka talaga.


Hello Banana boat!

Yan so balik ulit sa eksena hanggang 4pm yan. Sabi may fishing pa pero sabi nung organizer masyado daw maalon kaya walang mahuhuling isda kaya nag extend na lang till 5pm sa isla. Grabe walang humpay na langoy, Banana boat ang ganap namin. Masaya!
Nga pala dun na sa dhow mismo mag babanlaw saka magpapalit ng damit may mga toilet siya, so wag kang mag alala may privacy ka pag mag chachange outfit ka na.


Balik na ulit sa port! Uwian na.


Sa port mga nag bebenta ng fresh seafoods. Winner mga mura lang. Bili na!

At 0530pm Nakarating na ulit kami sa port ng Oman para sumakay ulit sa shuttle Bus namin. Sobrang pagod pero sobrang enjoy siya saktong sakto sa isang araw na activity. Sobrang sayang bonding! 


Yung travel agency pala namin na kinuha if ever gusto niyo rin ng ganap na katulad sa amin. maayos silang kausap and mababait.


Al Mariah Travel & Tourism 
P.O. Box 206 Hamdan Street, Al Mariah Mall Abu Dhabi - UAE
Tel: +971 2 6771 778
http://www.almariahtravel.com/

No comments:

Post a Comment